Oh! hindi ko malilimot,noong aking kabataan
Ng ako ay mabasbasan nang "Sugo" sa Huling Araw
Tumimo sa aking isip,ang lahat ng mga aral
Kagustuhan ng Maykapal,pangyayari sa 'ting buhay.
Araw-gabi ay nagsakit,ang 'Sugo" sa Huling Araw
Ang layunin ay tuparin, kautusan ng Maykapal
Ipangaral ang salita,sa lahat ng sambayanan
Huwag matakot,huwag matinag,pagka't SIYA ang tanging gabay.
Ng matapos niya ang takbuhin,at iatang ang tungkulin
Sa tagapamahala nating mahal,"Ka Erdy" kung tawagin
Hindi siya nabahala,katulad ay isang lawin
Ang layunin ay maituwid,mga likong adhikain.
Si Ka Erdy ay nagsakit,katulong ang pamunuan
Sa pag-akay sa Iglesia,ng marating ang kasakdalan
At gayun din upang siya'y makilala ng lubusan
Isang taong anak ng Diyos,ang siyang ating naging gabay.
Lumaganap ang Iglesia,sa kung saan-saang dako
Pagka't ito'y kahayagan, kay Ka Erdy at pangako
Siya'y naging kasangkapan, ng pumanaw ating 'Sugo"
Upang Iglesia ay ihanda, sa pagsalubong kay Cristo.
Tayo ngayo'y nagluluksa,sa pagpanaw ni Ka Erdy
Ng tawagin na siya nang Diyos upang papagpahingahin
Dalangin ko sa Maykapal, tayo sana'y pagpalain
Magpatuloy sa tungkulin,ito ang kanyang mithiin.
Salamat po, salamat po,minamahal naming kapatid
Magsisilbing ala-ala,ang lahat mong pagsasakit
At dito sa aming puso,hinding-hindi magmamaliw
Paalala't, pangaral mong magtumibay sa tungkulin.
Samantala sa balikat,ni Ka Eduardo iniatang
Ang tungkulin na ingatan, ang Iglesia niyang mahal
Kaya tayo'y sama-samang,magkaisa sa pagtupad
Magtalaga sa tungkulin,ang AMA ay papurihan.
Buong mundo ay ligalig' ng dahil sa kalamidad
Suliraning samut-samot,isip nila ay bagabag
Nguni't tayong nasa loob nang Iglesia ay panatag
Pagsalubong sa 'ting AMA at kay Cristo'y kanyang hangad.
Composed By: Sis Lydia C. Bautista
Local: Orange Park,Florida, USA